Siskiyou County
Hindi ka ba nasa Siskiyou County? Hanapin ang iyong gabay.
Ibalik ang iyong balota sa Martes, Nobyembre 4
Welcome sa Gabay sa Progresibong Botante ng Courage California! Tinipon namin ang impormasyong nagbibigay-daan sa iyo na gumawa ng may kaalamang mga desisyon tungkol sa mga kandidato sa iyong balota batay sa iyong mga pagpapahalaga. Mangyaring ibahagi ang gabay na ito sa iyong mga kaibigan at pamilya!
Have questions about voting in Siskiyou County? Find out how to vote in Siskiyou County.
Mga panukalang nasa balota sa buong estado
Bumoto ng OO sa Proposisyon 50 upang maaprubahan ang bagong mga hangganan ng kongresyonal na distrito at makapagbigay sa mga taga-California ng ibang daan upang makalaban sa administrasyong Trump.
Mula pa noong unang araw, nangunguna ang mga taga-California sa pagtatanggol sa ating mga komunidad na nasa ilalim ng pag-atake ng administrasyong Trump at ng kanyang mga MAGA Republican. Sa pamamagitan ng Proposisyon 50, may isa pang oportunidad ang mga botante sa California upang labanan ang pagbawas ng mga Republican sa pangangalagang pangkalusugan, ang tumataas na gastusin sa pamumuhay sa ilalim ng mga taripa at pagtaas ng presyo ng mga korporasyon, at sa malupit na pagdukot at pagtatanggal ng mga imigrante.
Hindi permanenteng pagbabago ang Proposisyon 50 sa halalan ng California, pero direktang tugon sa pang-aagaw ng kapangyarihan ng Republican na pinangunahan ni Pangulong Trump at ng mga pinuno ng estado sa Texas, na binago ang mga linya ng Kongresyonal na distrito upang makakuha ng limang karagdagang upuan sa House of Representatives ng U.S.
Iminumungkahi ng Proposisyon 50 ang mga bagong hangganan para sa marami sa 52 kongresyonal na distrito sa California, na magpapawalang-bisa sa limang upuan ng mga Republican na itinatag ng Texas. Kung maipasa, magkakabisa lang ang bagong mga konggresyonal na distrito sa California para sa 2026, 2028, at 2030 na mga halalan, pagkatapos nito ay ibabalik ang muling pagbabahagi sa independiyenteng komisyon sa muling pagsasadistrito ng estado kasunod ng census sa 2030. Sa ilalim ng iminungkahing mga hangganan, maaaring makakuha ang mga Democrat ng hanggang 5 upuan sa House of Representatives ng U.S. Sa pagkakaroon ng mayorya sa House, maaaring labanan ng mga Democrat ang agenda ng MAGA nina Trump at ng mga Republican.
Habang binabawasan ng mga bagong distrito ng Texas ang kapangyarihan ng mga botante – lalo na ang mga botanteng may kulay at bumoto kay Kamala Harris noong 2024 – at naipasa nang walang anumang pakikilahok ng publiko, ginawa ang iminungkahing mapa ng California nang may pakikilahok ng publiko, at sa huli, nasa mga botante ang pagpapasya kung ito ay aprubahan.
Bakit mahalaga ang pagboto ng OO sa Proposisyon 50
- Nagawa ni Trump na ipatupad ang marami sa kanyang agenda dahil sa maliit na kontrol sa mayorya ng kasalukuyang rehimen sa House of Representatives ng U.S. (219-213, na may bagong halal na kinatawan ng mga Democrat sa Arizona na naghihintay na makaupo, at dalawang bakante) at sa Senado (51-49), na tumangging magbigay ng limitasyon sa kanyang kapangyarihan.
- Noong Hulyo, ginamit ni Trump ang maliliit na mayorya ng mga Republican sa House at Senado upang ipasa ang pederal na budget na magbabawas sa saklaw sa pangangalaga sa kalusugan para sa 15 milyong katao, bawasan ang suporta sa nangungupahan nang mahigit sa kalahati, pataasin ang halaga ng mga loan para sa estudyante para sa halos 43 milyong mga nangutang ng loan para sa estudyante, tatanggalan ng pondo ang Planned Parenthood, at higit pa – lahat ito upang tustusan ang mga kaltas sa buwis para sa mga korporasyon at mayayaman at triplehin ang budget para sa hindi makataong pag-atake sa mga komunidad ng imigrante. Ginawa ang lahat ng ito laban sa kagustuhan ng mga tao, 2 sa 3 sa mga ito ay tutol sa bagong budget, kaya naman sinusubukan ni Trump at ng mga MAGA Republican na dayain ang midterm na halalan pabor sa mga Republican. Sa kabaligtaran, naagsulat ang mga Democrat sa House at Senado ng mga batas upang palawakin ang Medicare upang mabigyan ng insurance sa kalusugan ang lahat ng Amerikano, pondohan ang mas abot-kayang pabahay, gawing libre ang matrikula sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad, protektahan ang pagpapalaglag sa buong bansa, at magbigay ng daan patungo sa pagkamamamayan – wala sa mga ito ang maipapasa sa mga mayorya ng Republican.
- Kasalukuyang kinakatawan ang California ng 43 Democrat at 9 na Republican sa House, at ng 2 Democrat sa Senado. Bumoto ang lahat ng siyam na Republican pabor sa pederal na budget, at bumoto laban dito ang lahat ng Democrat. Kung maipapasa ng mga botante ang Proposisyon 50, maaaring magbago ang reprepresentasyon ng House sa California sa 48 Democrat at 4 na Republican, at magpasya sa kontrol ng mayorya sa House.
- Ang espesyal na halalang ito sa huli ay para sa pagtatanggol ng mga taga-California sa ating demokrasya – pangunahan ang bansa habang sinusubukan ni Trump at ng mga pinuno ng Republican na tanggalin ang kapangyarihang bumoto ng mga botanteng Black at Latino sa Texas at iba pang estado. Sa pulang mga estado, pinangungunahan ang muling pagsasadistrito sa kalagitnaan ng dekada ng mga politikal na mambabatas na hindi pinapansin ang kagustuhan ng mga tao, pero sa California, may pinal na salita ang mga botante sa kung paano natin gustong manindigan ang ating mga pinuno para sa ating estado at bayan. At maaari na ting labanan ang mga pag-atake na sinusupoprtahan ng bilyonaryo sa ating mga komunidad, sa ating panlipunang safety net, at sa ating mga bulsa.
Suporta para sa Proposisyon 50:
- Ang oo sa Prop 50 ay sinusuportahan ng California at mga pambansang Democrat at progresibo, kabilang sina dating Pangulong Barack Obama, dating Attorney General at tagapangulo ng National Democratic Redistricting Committee Eric Holder, Senador ng U.S. na si Bernie Sanders, Senador ng U.S. na si Elizabeth Warren, at Kinatawang si Alexandria Ocasio-Cortez.
- Ang mga grupo at pinuno sa California, tulad ng Courage California, SEIU California, ang California Labor Federation, California Teachers Association, Planned Parenthood Affiliates of California, California Working Families Party, at mga organisasyon nakibahagi sa Census at sa muling pagsasadistrito noong 2020, tulad ng Inland Empire United at Communities for a New California Action Fund.
- Sinusuportahan ng mga taga-suporta ang Proposisyon na batid na ito ay pansamantalang solusyon lamang at ang muling pagsasadistrito ay muling babalik sa independiyenteng komisyon sa muling pagsasadistrito sa 2030.
- Nakalikom ang komite sa pagbibilang ng balota ng The Stop Election Rigging Response Act ballot ni Governor Newsom bilang suporta sa Prop 50 ng mahigit sa $95 milyon, nang may malaking kontribusyon mula sa mga komite sa pangangampanya ni Governor Newsom, Fund for Policy Reform, House Majority PAC, GiveGreen United Action, Democratic Governors Association, mga unyon ng manggagawa kabilanga ang California Teachers Association, SEIU California, at California Labor Federation, ilang mga executive sa negosyo at teknolohiya, at iba pang indibidwal na donor.
Pagtutol sa Proposisyon 50:
- Ang tutol sa Prop 50 ay sinusuportahan ng mga Republican sa California at buong bansa, ang ilan ay tumulong sa pagtatatag ng independiyenteng komisyon sa muling pagsasadistrito, tulad nina dating Governor Arnold Schwarzenegger at Republican megadonor na si Charles Munger Jr.
- Nagpahayag ng pagtutol o pag-aalinlangan ang ilang Republican at Democrat tungkol sa Proposisyon 50, pati na rin ang mga alalahanin kung ano ang kahahantungan ng muling pagsasadistrito sa kalagitnaan ng dekada sa bansa at sa pangmatagalan.
- Si Munger – na sumuporta sa mga kandidatong Republican, mga sentro laban sa pagpapalaglag, at mga grupong laban sa LBGTQ+ – ang nagtatag ng komiteng Protect Voters First committee at ang pangunahing tagapondo ng komite, na naglaan ng $20 milyon upang tutulan ang Prop 50.
- May ilang iba pang komite na tumututol sa Prop 50 na nakalikom ng mahigit $45 milyon, kabilang ang mga pinamumunuan at pinondohan nina dating Republican House Speaker Kevin McCarthy, dating California Republican Party Chair Jessica Millan Patterson, Congressional Leadership Fund, at ilang Republican na miyembro ng Kongreso sa California na magiging mas kompetitibo ang kanilang distrito kung paipapasa ang Prop 50.
Maling Impormasyon tungkol sa Proposisyon 50:
- Ang muling pagsasadistrito sa kalagitnaan ng dekada sa California ay nasa kamay na ng mga botante at HINDI banta sa demokrasya at patas na halalan – ang tunay na banta ay isang awtoritaryan na pangulo na umaatake sa ating mga lungsod at komunidad, sumisira sa mga programa at serbisyong pinagkakatiwalaan natin, at nag-uutos sa mga pinuno ng Republican sa estado na dayain ang kanilang mga halalan nang walang anumang pakikilahok ng botante.
- Hindi sinisira o inaatake ng Proposisyon 50 ang independiyenteng Komisyon ng mga Mamamayan sa Muling Pagsasadistrito sa California (California Citizens Redistricting Commission). Binibigyan ng panukalang halalan ang mga botante kung tatanggapin nila o hindi ang bagong pansamantalang mapa ng kongresyonal na mapa hanggang makapanumbalik ang komisyon sa muling pagsasadistrito sa pangkaraniwan nitong timeline pagkatapos ng census sa 2030.
- HINDI lihim ang mga iiminungkahing mapa. Ang lehislatura ng estadyo ay naglathala ng interaktibong mga mapa, nagsagawa ng mga pampublikong pagdinig, at tumanggap ng pampublikong komento sa mga mapa bago nila iboto ang paglalagay ng Proposisyon 50 sa balota noong Agosto. Ang mga botante ang pinal na magpapasya sa ating kongresyonal na mapa. Wala sa mga estadong pinamumunuan ng Republican na isinasagawa ang pagsasadistrito sa kalagitnaan ng dekada ang nagbigay ng pagkakataon sa mga botante na magpahayag ng opinyon sa mga bagong mapa.
- Kabilang sa mga mapanlinlang na flyer na tutol sa Prop 50 ay ang mga sipi mula sa mga organisasyong sumusuporta sa mga reporma sa halalan at sa mga karapatan ng mga botante, tulad ng California Common Cause at ng League of Women Voters California. Wala sa alinmang organisasyon ang tutol sa Proposisyon 50. Sa katunayan, pinuna ng Common Cause na ang panukala sa balota sa muling pagsasadistrito ng California ay nakakatugon sa pamantayan ng katarungan, samantalang hindi sa Texas.
Mga Mahahalagang Petsa ng Espesyal na Halalan
Ang huling araw para magparehistrong bumoto: Oktubre 20, 2025
Para sa mga karapat-dapat na mamamayan na nakaligtaan ang deadline ng pagpaparehistro ng botante, maaari pa ring magparehistro sa Parehong Araw ng Pagpaparehistro ng Botante sa mga tanggapan sa halalan ng county, mga lugar sa pagboto, o mga sentro sa pagboto.
Makakatanggap ang lahat ng rehistradong botante sa California ng balota sa vote-by-mail mula sa tanggapan sa mga halalan sa iyong county simula Oktubre 6, 2025
Ibalik ang iyong mga balotang vote-by-mail sa pamamagitan ng koreo, sa lokasyon ng drop off, o sa tanggapan ng halalan sa iyong county.
- Magbubukas ang mga lokasyon ng drop off ng balota sa Oktubre 7
- Magbubukas ang mga sentro sa pagboto para sa maagang personal na pagboto sa mga county ng Voter’s Choice Act simula sa Oktubre 25
- Dapat maipadala ang mga mail-in na balota sa o bago ang Araw ng Halalan at dapat matanggap ng Nobyembre 12 para mabilang. Maagang ipadala ang iyong balota upang matiyak na mabilang ito!
Pumunta sa Boto Mo Kapangyarihan Mo upang magparehistrong bumoto, suriin ang iyong pagpaparehistro, at mag-sign up para sa mga paalala sa halalan. Mag-sign up upang masubaybayan ang iyong balota nang direkta sa pamamagitan ng BallotTrax ng Secretary of State sa California.
>> Tiyaking nakarehistro kang bumoto, at ibalik ang iyong balota para sa Oo sa Proposition 50 sa Nobyembre 4, 2025! <<